People’s Champ Sen. Manny Pacquiao nagbigay pugay sa SEA Games athletes

New Clark City, Tarlac — Binisita at binigyang pugay ng pambansang kamao at senador na si Manny Pacquiao ang mga atleta sa gaganaping Southeast Asian Games 2019.

Masayang-masaya nakipagkamayan at nagpakuha ng litrato ang mga atleta kay Sen. Pacquiao na kapwa atletang lumalaban sa larangan ng palakasan. Harap-harapang nakausap ng mga atleta ang world boxing champion na tila naging isang exclusive meet and greet para lamang sa kanila.

Gayun din naman ang pinakitang saya ni Sen. Pacquiao na inisa-isang kinamusta ang bawat grupo. Hiniling pa niya na ibuhos ang buong atensyon sa kani-kanilang sports at division upang maitaguyod ang bansang nirerepresenta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close

Upcoming Events

No upcoming events

Follow Us

Hey there!

Sign in

Forgot password?
Close
of

Processing files…