MMDA at Sen. Manny Pacquiao sanib puwersa para solusyunan ang problema sa EDSA

Senator Manny Pacquiao during ocular in EDSA.

Nagsagawa ng ocular visit ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) representatives, na sina Chairman Danny Lim at Gen. Manager Jojo Garcia, at si Sen. Manny Pacquiao para pag-aralan ang kahabaan ng EDSA. Magsisilbi itong paunang hakbang para sa posibleng solusyon sa trapiko na dulot ng mga bus sa EDSA

Ayon sa naunang report ng Philstar, ang bagong panukala o ang Express Bus ay sinimulan nang pagplanuhan sa loob ng anim na buwan. Target ng panukalang isaayos ang pagpapatakbo ng mga bus sa EDSA para maiwasan na ang overtaking, swerving, at speeding. Magkakaroon din ng mahigpit na regulasyon sa loading at unloading areas.

Ayon kay Samar Rep. Edgar Sarmiento, ang Express Bus ay ilalagay sa innermost lane ng EDSA upang mas madali at mas maginhawa ang pagsakay ng bus, lalo na sa mga pasaherong galing MRT. Samantala, ang middle at outermost lanes naman ay ilalaan sa iba pang klase ng sasakyang dumadaan dito.

“Like a carousel, the express bus lane will just circle around EDSA, duplicating the route of the MRT. People who use the MRT can have the option to ride the bus, which will only load and unload passengers in a synchronized manner at MRT stations so they are basically an extension of the MRT,” ika ni Rep. Sarmiento.

Kasama si Sen. Pacquiao sa pagsusuri ng EDSA para alamin ang mga susunod na hakbang para mataguyod ang panukalang ito.

Sen. Manny Pacquiao speaking to reporters during the ocular visit event.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close

Upcoming Events

No upcoming events

Follow Us

Hey there!

Sign in

Forgot password?
Close
of

Processing files…