, ,

Modern PUV Caravan umarangkada na!

Photo from Hino Motors Philippines

Sinimulan na noong Huwebes, ika-4 ng Hulyo, ang caravan serye sa pamumuno ng Department of Transportation at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board. Dagsa ang mga dumalo sa matagumpay na programa. Ito ay sa pagtutulungan ng mga kumpanya mula sa industriya ng transportasyon, mga kooperatiba, mga tsuper, at ng gobyerno.

Nagparada ang mga makabagong disenyo ng PUV mula Quezon City papunta sa SM Clark, Pampanga kung saan opisyal inilunsad ang Caravan. “Arangkada ng pagbabago tungo sa kaunlaran” ang tema ng programa na may layuning palawakin ang impormasyon tungkol sa PUV Modernization Program para sa buong Pilipinas.

Nagpakita ng matibay na suporta ang mga nakibahaging sektor na naghanda upang ipaliwanag sa mga tsuper at miyembro ng kooperatiba ang magandang maidudulot ng makabagong disenyo para sa nagbabago at umuunlad na bansa.

Bukod sa modern PUV, binahagi rin ni LTFRB Chairman Martin Delgra ang iba pang magandang programang nakapaloob sa PUV modernization program gaya ng scholarship courses para sa mga drivers, financing program, at mga bagong ruta na kasalukuyang pinapatakbo na ng mga kooperatiba gamit ang mga bagong sasakyan.

Sa kabila ng mga batikos, kinuwento ni Delgra ang proseso ng matagumpay na modernisasyon ng isang ruta sa Taguig at ilan pang lugar sa labas ng Metro Manila gaya ng Tacloban. “I’m hearing success stories. I’m not saying they are all bed of roses. There are still issues but the general plot is success,” depensa niya.

Kasunod ding inilunsad ang pagpapakilala ng LTFRB sa mga bagong ruta para sa mas organisadong sistema ng transportasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *