Mobile app para sa pagbayad ng pamasahe, inilunsad!

July 4 – Hindi mahulugang karayom ang paglunsad ng Komutr app, isang mobile app na pwedeng lagyan ng load at gamitin pambayad ng pamasahe, sa unang araw ng Modern PUV Caravan sa SM Clark, Pampanga.

Isa ang Komutr app sa mga nag-exhibit sa Modern PUV Caravan, isang nationwide event sa pamumuno ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board bilang parte ng information campaign sa kanilang PUV Modernization Program.

Kasama sa mga dumalo ay ang mga drivers, miyembro ng mga kooperatiba, pati na rin mga negosyante na sumusuporta sa programa. Nagpalitan ng impormasyon ang mga nakibahagi at maraming may interes sa app na ito.

Isa sa kakaibang feature ng Komutr ay ang pagiging cashless, contactless at cardless. Gumagamit lamang ang app ng smartphone na karaniwan nang makikita sa mga drivers at pasahero. Mula sa app, pwede nang kumunekta sa driver at magpasa ng bayad.

Bukod tangi rin ang booking feature ng app kung saan maaring mag-book in advance ang pasahero. Sa gayon, hindi na magsasayang ng oras sa pagpila sa terminal.

“Madali, mabilis, ligtas at less hassle sa pag-commute”- ito ang target ng grupo ng Komutr sa pagbuo nito. Ito ay ang sarili nilang hakbang para sa pagsuporta ng magandang pagbabago mula sa modernization program.

Ayon kay Jaydee Chua-Gungon, COO ng Komutr, “the modernization program of transport industry is important and goes hand in hand with the ‘build, build, build’ program of President Duterte. It will lessen the traffic, commuters will lessen the wait time and I think life would be better.”

Ang Komutr app ay available na sa Google Play Store at para sa karagdagang impormasyon bisitahin lamang ang Komutr Facebook page, https://www.facebook.com/komutrph/.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close

Upcoming Events

  • Voter Registration August 1, 2019 – September 30, 2019
  • Modern PUV Caravan Phase 2 at Valencia, Bukidnon September 24, 2019
  • Modern PUV Caravan Phase 2 at Butuan City September 27, 2019
  • Modern PUV Caravan Phase 2 at Tandag City, Surigao del Sur October 1, 2019
  • Modern PUV Caravan Phase 2 at Surigao City October 4, 2019

Follow Us

Hey there!

Sign in

Forgot password?
Close
of

Processing files…