, ,

PDu30 pinayuhan ang COMELEC na palitan ang Smartmatic para sa susunod na eleksyon

Photo from Remate.ph

“Do not use that [Smartmatic] mechanism again,” bitaw na salita ni Presidente Duterte para sa Comelec.

Nabuksan ang usapin tungkol sa Smartmatic nang may magtanong na isang Pinay sa isang pagpupulong sa Tokyo, Japan. Ang tanong ay ukol sa mga naging aberya sa katatapos lamang na eleksyon. Nagbigay naman agad nang pagtutol ang Pangulo sa pagpapatuloy ng palyadong serbisyo ng Smartmatic.

“I would like to advise Comelec now, I won’t wait for it (SONA) anymore: dispose of that Smartmatic and look for a new one that is free of fraud,” aniya. Gusto sana ng Pangulo na sa SONA niya ihahatid ang tungkol dito ngunit gusto na niyang aksyunan ito.

“Kakatapos lang ng election, palitan na ninyo kasi it is no longer acceptable to me and to the people,”dagdag pa niya. Base sa mga naunang report tungkol sa eleksyon 2019, maraming naging problemang teknikal ang naranasan ng COMELEC at ang technology provider nito tulad ng aberya sa mga vote-counting machines, pumalyang SD cards, at matagal na paglabas ng resulta sa transparency server ng COMELEC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *