, , , ,

PDu30 inutos muli na itigil ang operasyon ng KAPA

Photo from Bilyonaryo.com

Iniulit ni Presidente Duterte ang utos na ipatigil ang operasyon ng Kapa-Community Ministry International Inc. (KAPA)

“You have to listen to me. I am a lawyer and I am your President… Do not ever get into KAPA. Do not be offended. If it is too good to be true, it must be fraud,” pahayag ng Pangulo sa isang event sa General Santos City. Bitiw pa niya, isang ponzi scheme o tinatawag na investment scam ito. “I am sorry, the operation  shall stop immediately,” aniya.

Ang Kapa ay isang religious corporation na nakabase sa Mindanao. Sila’y nanghihikayat ng miyembro na mag-invest ng pera bilang “deed of donation” o bilang “certificate of membership”. Ang perang ihuhulog ay may halaga na mula sampung libong piso hanggang dalawang milyon. Ayon sa kontrata, ang pera ay gagamitin para sa misyon ng organisasyon na “propagation of the religious faith, establishment of livelihood programs for the benefits of its members.” Mula rito, pinapangakuan ng Kapa na maibabalik ang perang na-invest na may dagdag na 30%. Ito ay mas malaki kumpara sa mga typical investment na may dagdag na 5% – 9%.

Taong 2018 pa lamang ay nagbigay paalala na ang Security of Exchange Commission sa mga gustong sumali sa Kapa. Ang Kapa ay nakarehistro bilang non-stock corporation sa bisa ng SEC Registration No. CN 201707724 noong ika-3 ng Marso, 2017. Ngunit dahil sa mga pangakong dagdag sa investment, ang aktibidad ng Kapa ay hindi akma sa kanilang papeles at labag sa batas.

Inimbistigahan naman ng National Bureau of Investigation ang mga opisina ng Kapa at napag-alaman na ang sistema ay hindi mapapanatili sa paglago. Base sa mga kasong nahawakan ng NBI noon, ang mga investment scam na posibleng katulad nito ay kadalasang inaaksyunan sa oras na may magreklamong miyembro. Datapwat walang miyembro ng Kapa ang nagsasampa, ang pinasang reklamo ng SEC ay ang nag-udyok sa NBI na umaksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *