,

June 12 – Libreng sakay sa MRT at LRT 1!

Magkakaroon ng libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 at Light Rail Transit Line 1 sa Araw ng Kalayaan, June 12.

Ayon sa anunsyo ng Department of Transportation (DOTr), “Sa darating na ika-12 ng Hunyo 2019, magbibigay ng libreng sakay ang DOTr sa MRT-3 bilang pakikiisa ng ahensya sa paggunita ng ika-121 anibersaryo ng proklamasyon ng Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas.”

Para naman sa LRT-1, nagbigay abiso na rin si LRT-1 Corporate Communications Head Rochelle Gamboa para sa pakikiisa sa selebrasyong ito.

Ang libreng sakay ay maaaring maranasan ng mga pasahero sa oras na 7:00 am – 9:00 am at 5:00 pm – 7:00 pm.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *