, ,

9 milyong botante hindi nakaboto ng party-list

Photo from Reuters UK

Halos 9 milyong botante ang nakaligtaang bumoto o hindi nakaboto ng party-list ngayong dumating na midterm-election, ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr.

Kumpara sa nakaraang eleksyon, pumatak na 36 million ang bumoto sa partylist. May malaking diperensiya ito sa bilang ng boto ngayong taon na may total na 27 million.

Pahayag ni Rep. Garbin, 1.7 million ang boto na kanilang nalikom noong 2016 ngunit mahigit 700,000 ang binagsak nito ngayong taon – 1,046, 644 votes ayon sa latest tally.

Isa pang party-list representative, Orestes Salon ng Agri Party-list, ang nagulat sa resulta nang makakuha ng 132,911 votes, nangangahulugang hindi pa ito sapat para makakuha ng isang seat sa kongreso.

Kinuwestiyon nina Rep. Garbin at Rep. Salon ang desisyon ng COMELEC na sa likod ilagay ang partylist. Noong mga nakaraang eleksyon ang listahan ng senador at partylist ay magkasunod sa balota.

Napag-alaman ni Rep. Garbin na may pagkakataon na hindi nakaboto ng partylist ang mga botante noong Mayo 13 dahil hindi nila nakita ang listahan sa likod ng balota. Posible na ang malaking kawalan ng boto sa partylist ay dahil sa pagkakataong ito. “Voters went home without voting for a party-list group,” sabi ni Rep. Garbin. Kasalukuyang sinusulong ng mga representatives ang paliwanag ng COMELEC tungkol sa balota.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *