,

8,000 Grab Drivers bigo sa pag-submit ng accreditation, presyo ng Grab ride posibleng magtaas pa!

Photo from philstar.com

Hindi umabot sa deadline na June 7 ang 8,000 Grab drivers para magpasa ng mga requirements ng pagkuha ng prangkisa. Dahil dito, mababawasan ang bumibiyaheng Grab drivers na magdudulot ng posibleng mas matagal na booking period at pagtaas ng booking fee.

Pinagpapaliwanag naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kumpanyang Grab kung bakit hindi nakaabot at hindi nakapagpasa ang mga drivers.

“If a Grab driver’s profile shows you that [his] LTFRB number is still [being processed], it only means two things: Either [he] applied but has yet to be accredited, or [he] really didn’t apply,” ayon sa panayam ng Inquirer kay LTFRB chair Martin Delgra III.

Dagdag pa ng LTRFB chair na kung ang lahat ng accredited ay magiging aktibo ay walang magiging problema sa serbisyo ng Grab. Para naman sa 8,000 drivers na hindi na makakabiyahe, pangako ng Grab na tutulungan sila sa pag-renew. Magbubukas naman muli ang LTFRB ng 10,000 slots para sa TNVS sa June 10.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *