,

Parokya ni Edgar Facebook page na-hack!

Kinumpirma ni Parokya ni Edgar lead Chito Miranda na na-hack ang Facebook page ng kanilang grupo kahapon, May 30, 2019.

Nagkaroon ang nasabing page ng malaswang post kahapon. Makikita rito ang isang video link at may thumbnail na babaeng kita ang dibdib. Ang post ay umani ng halos 100 shares, 1.2K reactions, at 700 comments.

Ayon pa FB status ni Chito Miranda, tinanggal ang mga miyembro bilang ‘admin’ sa page. Kaya humingi ng tulong nito sa mga netizens.

Sa kasalukuyan, ang aming research team ay sinubukang i-search ang Facebook page ngunit hindi na ito makita sa ‘search results’.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *