, , ,

Gaming Disorder opisyal nang sakit ayon sa World Health Organization

Photo from eteknix.com

Kinumpirma ng World Health Organization (WHO) na ang Gaming Disorder ay opisyal na modernong sakit.

Matapos ang mahabang diskusyon, nagkaroon na ng opisyal na desiyon ang mga miyembro ng WHO sa 72nd World Health Assembly sa Geneva, Switzerland. Ayon sa WHO, ang gaming disorder ay pagpapakita ng paulit-ulit na pag-uugali sa paglalaro na may masamang epekto sa “personal, family, social, educational, occupational or other important areas of functioning”. Ito ay kasama sa International Classification of Diseases (ICD-11) – ang international standard diagnostic tool para sa pag-alam ng sakit, pamamahala ng kalusugan, at mga may kinalaman sa klinikal.

Unang pinakilala ang Gaming Disorder noong December 2017 at nakumpleto ang depinisyon noong June 2018. Makikitaan ang isang tao na may disorder kung ito ay pasok sa tatlong senyales na:

  • Kawalan ng control sa paglalaro;
  • Pagbibigay prayoridad sa paglalaro sa halip sa ibang importanteng bagay;
  • Pagpapatuloy ng paglalaro kahit na may masamang epekto na ito.

Sumagot naman ang mga representatives ng gaming industry para sa muling pagsasaalang-alang ng desisyon ukol dito. Ayon sa grupo, ang hatol ay hindi nakabase sa sapat at matatag na ebidensya. Ang grupo ay mula sa iba’t ibang bansa sa Europe, USA, Australia, at Asia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *