, , ,

Batas para sa pag-unlad ng magsasaka at mangingisda, pirmado na ni PDu30

Photo from RMN

Pirmado na ni Presidente Duterte ang Republic Act No. 11321 o tinatawag na “Sagip Saka Act”. Ito ay naglalaman ng “Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Program” na may modernization plan para paunlarin ang micro, small at medium enterprises.

Base sa Sagip Saka Act, ang programang ito ay gagamit ng makabagong teknolohiya para sa mga produktong agricultural at sa pangingisda. Misyon ng batas na ito na matulungan ang “agricultural and fishing communities reach their full potential, increasing farmers’ and fishermen’s incomes, and bridging gaps through public-private partnerships, thereby improving their quality of life.”

Photo from DailyMotion

Sakop ng programa ang mga sumusunod:

  • Agricultural and fisheries production
  • Pagkuha ng hayop pangtrabaho
  • Pagkakaroon ng mga binhi, pataba, makinarya sa pagsasaka at pangingisda
  • Pag-imbak, kalakalan, pagproseso, at distribusyon ng mga produkto
  • Kapital para sa mga graduates ng agriculture at fisheries
  • Agribusiness activities na sumusuporta sa soil and water conservation
  • Loans para sa magsasaka at mangingisda

Ang Department of Agriculture at Landbank ay ang mga pangunahing ahensya na magtutulungan para sa programang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *